ANG PANITIKAN NG BANSANG PRANSES

 NAME:RUEL LAURENTE 

GRADE/SECTION :10 LOVE 

TEACHER :MRS.MA.TERESA BARCELO


  ANG PANITIKAN NG BANSANG PRANSES 


  ANG PANITIKAN NG BANSANG PRANSES

Pero bago tayo mag simula alamin muna natin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang Pransiya o France.

Ang Pransya sa kanlurang Europa ay sumasaklaw sa mga lungsod ng medieval, mga nayon ng alpine at mga beach sa mediteraneo. Ang paris, ang kabisera nito, ay sikat sa mga fashion house, klasikal na museo ng sining kabilang ang louvre at mga monumento tulad ng Eifel tower, kilala rin ang bansa sa mga alak at sopistikadong lutuin ang mga sinaunang larawang kweba lascaux, Roman theatre ng lyon at ang malawak na palace of Versailles ay nagpapatunay sa mayamang kasaysayan nito, Ang Bansang pransya rin ang bansang maraming magagandang tanawin kaya dito maraming turista ang pumupunta sa bansang ito, Hindi lang diyan mayaman ang bansang Pransiya kundi mayaman rin ito sa mga Panitikan kaya tara! Alamin natin!

Ang pangalang Pransiya ay hinango sa salitang Latin na Francia, na ang ibigsabihin ay "Lupain ng mga prangko", Maraming mga teorya ang nag sasabi ng pinagmulan ng pangalan ng mga prangko.

                    (PAMAHALAAN)



Ang Republikang Pranses ay isang unitaryong semi-pampanguluhan na Republika na may matibay na tradisyong demokratiko. Ang Konstitusyon ng ikalimang Republika ay inaprubahan ng isang reperendum noong 28 setyembre 1958.Ang pangulo ng Republika na pinuno ng Estado at direktang inihahalal ng mga mamayanan para sa limang taong panunungkulan(dating pitong taon), at ang Pinuno ng pamahalaan na pinamumunuan ng itinalagang Punong Ministro.


                        (KULTURA)


Kadalasan ay kinakabit ang kulturang pranses sa paris, na sentro ng moda, pagluluto, sining at arkitektura, subalit ang buhay sa labas ng Lungsod ng mga Ilaw ay ibang-iba at nagkakaiba sa bawat rehiyon. Magugunita na ang kultura ng France ay naimpluwensiyahan ng Celtic at Gallo-Roman Culture, gayundin ang Franks isang tribong German. 

             (KASAYSAYAN AT PANITIKAN)


Ang Bansang Pransiya o France ay punong puno ng mga akdang pampanitikan na iniwang ala-ala ng mga kanilang mga ninuno, pintor at mga manunulat na nanggaling dito katulad ng mga manunulat na si Victor Hugo, na nag iwan ng mga magagandang aral sa kanyang sikat na nobela na pinamagatang "Ang kuba sa notre Dame",Pangalawa naman ay si Guy De Maupessant na gumawa ng maikling kwento na "Ang kwintas" at si Chloe  Delaume na manunulat ng 1973 at magpasa hanggang ngayon ay kinikilala ang libro niya na ginawa.


Ang Bansang Pransiya ay nabibilang sa mga bansang nasa Mediterranean kung saan ang mga bansang ito ang unang nakaimbento ng paraan ng pagsulat ang Cuneiform. 


Ang mga manunulat na ito ay kadalasang paksa ay patungkol sa mga di magagandang pangyayari sa bansang pransiya noong unang panahon, Magandang mabasa natin ito dahil dito ay makakapulot tayo ng magandang asal at aral na maari nating maibahagi sa ating mga kaibigan pati narin sa buong mundo, Ang halimbawa nito ay ang nobelang pinamagatang "Ang kuba ng notre Dame",na may paksang tungkol sa diskriminasyon.

                              (WIKA) 


Ang Prances(Pranses:Francis:Ingles:French) ay isang wika na  nagmula sa Pransiya, Noong 1999, ito ang wikang may ika-11 pinakamalaking bilang ng mga tagapagsalita sa buong daigdig, isinasalita ng higit-kumulang na 77 milyong tao(tinatawag nafrancophones). 

                        (RELIHIYON) 
Katoliko ang pangunahing Relihiyon ng France-tinatayang 80% nagsasabing sila ay Katoliko. Ang iba pang pangunahing relihiyon ay Islam(karaniwang relihiyon ng dayuhan mula sa hilagang africa), Protestante at Judaism. 



Tunay ngang napaka yaman ng panitikan ng bansang Pranses, Hindi lang mayaman sa magagandang tanawin, mayaman rin ito sa mga panitikan kaya ano pa ang hinihintay mo! Pag-aralan pa natin ang panitikan ng bansang pransiya! 


Comments

  1. Mahusay ang pagkakagawa sa blog at nailarawan ng maayos ang mga larawan :}

    ReplyDelete
  2. Good job! Maganda at ang galing ng pag research! Sobrang detalyado.

    ReplyDelete

Post a Comment